Stolen laptop and ipad2

Dear Facebook, twitter, and other social networking community friends,

May I ask the responsible members of the social networking community to share this through facebook, twitter or any other social networking site. I hope that this message will reach the guy who stole my laptop and ipad2     OR     the people to whom the items were sold. These were stolen from my bag placed in my cubicle inside the Department of Social Sciences, UP Los Banos. However, the thief may have sold it in or outside Laguna province. This is a very small favor which may mean a lot for me:  very important files are saved in my laptop, especially the work-related ones.  I am willing to give a money reward to the person who can trace the stolen units. I appeal to you, just click that “share” button.  One click matters. Thank you, dear facebook responsible user.

Sa nagnakaw ng Toshiba laptop at ipad 2 ko,

Kumusta ka? Didiretsuhin ko na. Masakit yung nangyari sa akin, na ninakawan mo ako ng laptop na Toshiba ultrabook at ipad2, which cost almost 80k. Hindi ko alam kung anong dahilan mo sa pagnanakaw, pero ano man yun, masakit sa biktimang gaya ko ang ginawa mo. Hindi kami mayamang pamilya, pare. Kami ay average family na nagsisikap at pinaghihirapan lahat ng nakukuha namin.  Iyang laptop na ninakaw mo ay ibinigay ng kapatid ko pero patuloy niyang binabayaran. Kinailangan kong magdala ng manipis na laptop dahil magaan tuwing nagbibiyahe. Hindi kasi ako taga-Laguna kaya umuuwi ako ng Maynila tuwing weekend. Mabuti ring nagagamit ko ang laptop na iyan dahil sa trabaho ko bilang teacher.

Kung sakali mang nakarating na ang sulat na ito sa pinagbentahan ng nakaw na toshiba ultrabook laptop o ipad2, sana po ay ma-realize din ninyong malaki ang naging epekto ng pagnanakaw ng mga gamit na iyan. May mga nasaktan at napagastos nang wala sa oras dahil sa paghabol sa magnanakaw na nagbenta sa inyo ng ultrabook o ipad2. Ilang araw din akong hindi nakapaghanda nang maayos para sa klase ko. Yung mga files po dun ay pinagsikapan kong i-compile para makapagtrabaho ng maayos. Yung mga pictures doon ay parte ng buhay ko sa mga nakaraang taon, lalo na yung nagparticipate ako sa international program na makakatulong para mapromote ang interes ng kabataang Pilipino. Lahat ng iyon, kasamang nawala nang ninakaw ang laptop na iyan.  Ilang araw po akong na-depress at patuloy pa ring nalulungkot at di makapagtrabaho ng maayos dahil sa pagkawala ng mga gamit na iyan.

Mas mahalaga ang laman ng laptop at ipad na iyan. Kung hindi man maibalik ang unit, sana kahit i-save mo na lang content at maibalik sa akin. Kahit iyon lang, kung may natitira pang kabutihan sa puso mo. Maaari rin namang dinelete na ng nagnakaw ang files bago ibenta. Kung ganon ang kaso, pero ALAM PO NINYONG ILLEGAL ANG PARAAN NG PAGBEBENTA SA INYO, sana po ay maibalik ang laptop.Handa akong bayaran po ang nagastos na ninyo. Mahalaga lang po talaga sa akin ang mga unit na ‘yan dahil din sa sentimental value. Pinagsikapan naming makamit ang mga bagay na iyan.

Huli, alam ko pong may katarungan sa kamay ng Diyos. Alam nating makatarungan ang Panginoon. Pinagpapala ang gumagawa ng mabuti, at nagdurusa ang mga gumagawa ng illegal.Ang mga bagay mula sa illegal at mga tumangkilik sa mga illegal na bagay ay makararanas ng bagay na nararapat sa kanila, hindi man kulong, pero sa ibang hindi magandang paraan.

MAY KATARUNGAN SA KAMAY NG PANGINOON.  Naniniwala akong may mabubuti pa ring tao.

Salamat sa pakikipagtulungan. Ito po ang mga detalye: TOSHIBA Portégé Z830 (originally with keyboard Arabic characters),

a. serial number: 1C085751H
b. part number: PT224E-01001YAR
c. model number: Z830-M110

and ipad2 32GB,

a. serial number: DKVG601BDKPJ
b. 32 GB, with white border.

Contact number: 09165929641 – Aaron or aglaylo07@gmail.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s