Nais ko nang lumayo

Paano ka tatagal sa isang lugar kung saan sinisikap mong sumigaw para marinig ng nasa kapangyarihan ngunit tila nakasara ang kanyang mga tainga. Bakit nananatili sa lipunan ang mga makasarili, silang wala na ngang ambag, malakas pa ang loob para magmalaki. Hindi na kailangang lumayo, sa sariling bakuran, may mga bulok sa lipunan. Ito marahil ang dahilan kaya silang mga naliwanagan ay lumilisan upang makasagap ng sariwang hangin. Pilit na tumatakas sa pook na luamlamon sa natitirang lakas at gana nila upang makapag-ambag. Hindi magtatagal, lilisanin ko rin ang pook na ito. Sinikap kong maghintay para makita ang pagbabago. Ngunit may hangganan din ang bawat paghihintay. Hindi ko na kakayanin pang manatili sa lugar kung saan nananahan ang mga makakapal ang budhi, silang mga sumipsip ng kayabangan hanggang sumiksik na sa kanilang laman ang dumi ng kanilang kinagisnan. Hinangad kong tumulong ngunit sadyang nilalamon pa siya ng masidhing kayabangan. Bakit nga ba ubod ng yabang? Ay, mabuti pang hanapin ang pinakamalapit na daan para tumakas sa ganitong kalagayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s