Muling Pag-ibig

Another cliche poem, pero ito nararamdaman ko he hehe

Ilang taon na rin ang lumipas

Sinikap kong kalimutan ka

Matapos mong durugin

Itong pusong ang hinangad lang

Ay mapaibig ka

Kasabay ng paglisan ko sa’yo

Nilisan ko rin ang musikang sinta

Ibinaling ang puso sa pisara at pag-aaral

Hanggang sa tuluyan ka nang nabura

Ngayon, matapos ang limang mahahabang taon,

Tila kinalabit muli itong aking puso

At pinag-apawan ng ligaya at inspirasyon

Upang muling kalabitin ang lira

Ang gitara, ang mga tiklado, aking dating sinta

at higit pa…

Ang tinig na matagal na nahimbing.

Ang tinig na matagal na naisilid sa basag na puso

Himig at awit, narito na.

Handa nang umibig muli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s