Pagpapadalisay

 Isang araw… 🙂

Ako:

Datapwat higit na mainam kung pansamantala’y itago ko muna sa likod ng mga ngiti ang mga lumbay at pighating pilit na tumatakas sa ubod nitong loob.

Marahil, naikubli ko nga yaring pait ng damdamin subalit ang mga mata’y walang tunay na ningning at yaring puso’y nakaganyak pa rin ng pagsasantabi, nilapatan lamang ng panandaliang kalutasan at umaapaw pa rin sa kalungkutan. Pawang mga pansamantalang paraan.

Ay! Bakit yaring sarili ay hindi binabagkas ang landas ng ligaya bagamat may puwang naman upang ito’y makamtan?

Tugon ni Astrid:

Marahil ito’y sa kadahilanang, ang mga taong tulad  natin ay sadyang sumusuong sa hirap at pighati sapagkat doo’y naniniwalang matatagpuan ang purong ligaya–ligayang yakap ng pighati.

Di ba’t tulad ko, ikaw ri’y naniniwalang wala ng tatamis pa sa ligayang dulot ng sakit at hirap?

Tugon ko:

Ibig kong sumang-ayon sa iyong isinalaysay kaibigan. Labis lamang ang pag-apaw nitong pusong nabugbog sa sakit at pighati. Tunay at di mababali ang katotohanang nasubok na sa libong taon, ang pusong naligo sa dugo, luha at dalisay na tubig ang siyang umaahong taglay ang walang katumbas na biyayang tagumpay at lakas mula sa Maykapal.

Tugon ni Sarah (Sarj):

 Tila isa kang ampalayang nagpapanggap na manggang hinog. Kulayan mo man ng dilaw ang iyong balat, hindi maitatatwa ang mapait na lasa. Ano ang pumipigil sa iyo upang ipagdiwang ang tunay na damdamin? Anumang tamis o pait, pinakamasarap ang dalisay.

Pahimakas:

Ano, kung gayon, ang nararapat?

Gumising ka, o nilalang na pinagpala. Huwag manatiling nakagapos sa paghihinagpis. Ang mga lumbay na ito at luha ay hindi ba’t daraanan lang din ng panahon? Lumaya ka sapagkat iyon ang tama.

Siyang tunay! Wala na ngang iinam pang paraan upang ang ginto’y maging tunay na dalisay maliban sa padaanin ito sa apoy.

Advertisements

4 thoughts on “Pagpapadalisay

  1. Parang naligaw ang pananalinghaga ko, prutas at gulay!

    Puso at kaluluwa yata ang pinag-uusapan?

    Ang damdaming pinapanday ay tunay na tumitibay.

    MASARAP ang pagpapadalisay!

    [MASARAP= MASAya + (kahit) mahiRAP] 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s